Matuk mo yon? Judge ang Filipino shoe designer na si Jojo Bragais sa Miss USA 2024 final competition, kung saan nanalo si Alma Cooper na taga-Michigan.
Si Bragais ang nag-iisang Asian sa mga hurado na kinabibilangan nina TV personality Sheana Say, Anastasia Beverly Hills CEO Anastasia Soare, singer Gavin DeGraw, motivational speaker Natasha Graziano, NJ Falk, Miss USA 1990 Carole Gist, at Miss USA 1994 Lu Parker.
Si Alma Cooper ng Michigan ang nanalong 73rd Miss USA sa koronasyon na ginanap sa Peacock Theater, Los Angeles, California, noong Linggo ng gabi, Agosto 4, 2024 (Lunes ng umaga, Agosto 5, sa Pilipinas).
Si Alma Cooper ay makakalaban ng half-American namang representative ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.
RLVN