USA – PATULOY pang inaalam ng California authorities ang motibo ng pamamaril sa kanilang lugar kung saan isa ang nasawi habang isang Filipino naman ang nasugatan.
Kinilala ang Filipino na si Andy Teodoro, na nagtamo ng matinding sugat at ginagamot sa intensive care unit ng isang ospital sa California.
Agad namang naaresto ang dalawa katao subalit nananatiling tikom ang bibig.
Aminado ang awtoridad na wala pa silang lead kung ano ang motibo ng pamamaril. AIMEE ANOC
Comments are closed.