TINIYAK ng Department of Trade & Industry (DTI) na hindi kasama sa magtataas ng presyo ang Pinoy Tasty.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez hindi sakop ng price increase ang mga pangkaraniwang tinapay lalo na ang Pinoy Tasty.
Kadalasan kasing almusal ng mga Filipino ang tinapay at isa rin ito sa mga inihahanda tuwing Pasko.
Nabatid na magtataas kasi ng presyo ang mga mamahaling brand ng tinapay at hindi ito sakop ng Suggested Retail Price o SRP.
Piso hanggang dalawang pisong taas sa presyo ang inaasahan sa ilang brand ng tinapay na magiging epektibo sa mga susunod na araw.
Comments are closed.