(Pinoy teleserye mapanonood din sa China) CHINESE TV DRAMAS IPINASILIP

tv

MAKATI CITY – BAHAGI ng pagpapalakas ng relasyon ng China at ng Filipinas ang maunawaan ang kultura ng isa’t isa at upang ma­ging mabilis ito ay idaraan sa pagpapa­labas ng mga sikat na Chinese TV drama na isasalin sa wikang Tagalog.

Kaya naman noong Nobyembre 19, ay ipinasilip ang  ilang  kapana-panabik na Chinovelas  sa presentasyon  na may titulong China Image: Show-case of popular Chinese TV drama sa Makati Diamond Residences.

Kabilang sa mga dumalong panauhin sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Marvin Gatpayat, PTV4 officer-in-charge Richard Valdez at Ma Li, Director General ng International Cooperation Department of the National Radio and Television Administration of China, Madam Zhao Yifang, CEO of Huace Group,  Mr. Wu Yi,  Thanyi Media,  Ms. Xhang Chenxi,  Asst.  GM IM Power of China at Mr. Zhan Yikai ng Jiaping Films.

Layunin ng pagpapalabas ng mga Chinovelas sa bansa na makilala pa ng lubusan ng mga Filipino ang kulturang Tsino at makapag ambag sa indus-triya ng telebisyon sa Filipinas.

Ilan sa mga Chinese drama na tiyak na kapananabikan ng Pinoy viewers ay “The Young Doctor, Entrepreneurial Age, Sweet Combat, I Only Like You, Wonderful Life, at Dear My Sisters.

Nilinaw naman sa media ni Madam Xhao Yifang,  aangkat din sila ng mga Filipino TV drama na kanilang isasalin sa kabilang wika upang higit na maunawaan ng kanilang kababayan ang kultura ng Filipinas.

“It will be a two-way communication exchanging TV dramas, “ ayon kay Madam Zhao Yifang.

Habang wala rin aniyang exclusivity o limit sa isang TV network ang Chinovela at maaari ring maipalabas sa ibang channels bukod sa PTV 4.      EUNICE C.