PINOY TRACKSTERS BIYAHENG SINGAPORE

pinoy TRACKSTERS 

AALIS ang Southeast Asian Games-bound athletes, sa pangunguna ni Brazil Olympian at London World Athletics veteran Filipino-American Eric Shawn Cray,  ngayong araw para sa sumabak sa prestihiyosong Singapore Open Athletics Championships na aarangkada sa Marso 28.

“The event will determine their competitiveness in the SEA Games since they are facing athletes in Asia and other invited competitors outside Southeast Asia. The event will gauge their competiveness and the winning capability of the athletes in the SEA Games,” sabi ni PATAFA president Philip E. Juico.

Sa masusing gabay ni American coach Rohsaan Griffin, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga katunggali mula sa 20 bansa. Ang kampanya ng mga Pinoy ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William Ramirez.

Tatakbo si Cray, nakabase sa El Paso, Texas, sa 400m na kanyang dinomina sa Asian Athletics na ginawa sa Bubanishar, India. Sinabi ng 29-anyos na Fil-Am na gagawin niya ang lahat para muling mabigyan ng karangalan ang Filipinas tulad ng  ginawa niya sa 2015 SEA Games sa Singapore kung saan nanalo siya sa 100m at 200m at itinanghal na ‘King of Sprint’ at sa 2017 edition sa Malaysia.

Kasama ni Cray ay sina fellow Fil-Am Kristina Knott, Mark Harry Diones, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan, Clinton Kingsley Bautista, Janry Ubas, Edgardo Alejan, Archand Bagsit, Marco Vilog, Francis Medina, Ronne Malipay, Albert Mantua, Melvin Calano, Joyme Sequita, Marestella Torres-Sunang, Evalyn Palabrica at Daniella Daynata.

“I am serious and determined to win my events no matter how tough my rivals are. I have a mission in Singapore, to win medal for the Philippines,” sabi ni Cray matapos muling dominahin ang kanyang pet event sa katatapos na foreign-flavored Ayala National Open Athletics.

Sinabi ni Juico na bukod sa Singapore Open, lalahok din ang mga atleta sa iba pang torneo para mahasa nang husto at lumakas ang tsansa na manalo sa SEA Games.

“The only way to sharpen their skills is to compete overseas against the best in Asia. Hindi natin malalaman ang kanilang lakas at kakayahang manalo kung hindi sila lalabas,” ani Juico. CLYDE MARIANO

Comments are closed.