PINOY TRACKSTERS HANDA NA SA SEAG

pinoy TRACKSTERS3

KUNG pagbabasehan ang kanilang golden performance sa nakaraang Singapore Open Athletics, malaki ang pag-asa nina Brazil Olympian Eric Shawn Cray at fellow Filipino-American Kristina Knott na manalo sa kanilang events sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kumpiyansa si athletics president Philip E. Juico sa tagumpay nina Cray at Knott dahil sa angking galing at lawak ng karanasan ng mga ito sa pagsabak sa international competitions.

Bukod kina Cray at Knott,  naniniwala rin si Juico na kayang mag-deliver ng mga homegrown talent tulad nina Brazil Olympian Mary Joy Tabal, Mark Harry Diones, Aries Toledo, Ernest  John Obiena, Immuel Camino, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan, Edgardo Alejan, Archand Christian Bagsit, Marco Vilog, at Clinton Kingsley Bautista.

Pinangunahan ni Cray ang four-man team, kasama sina Lopena, Udtohan at Bautista, sa ginto sa 4x100m sa oras na 39.72 seconds at nakopo ni Knott ang isa pang ginto sa 200m.

Magugunitang dinomina rin ni Knott, anak ng isang Pinay at ipinanganak sa Orlando, Florida, ang 200m sa nakaraang foreign-flavored National Open Athletics na ginanap sa Ilagan, Isa­bela.

Nanalo naman ang Bulakenong si Udtohan ng pilak sa 400m sa oras na  46.95 seconds; si reigning SEA Games triple jump champion Harry Mark Diones ng  pilak sa triple jump sa naitalang 15.96 meters, at nasungkit ni Marco Vilog ang pilak sa 800m sa oras na 1:51.63 seconds.

Ang iba pang SEA Games-bound ay sina Albert Mantua, Francis Medina, Janry Ubas, Anferneee Lopena, at Daniella Daynata.

Nasungkit nina Mantua ang tanso sa discuss (45.69 meters), Ubas sa long jump (7.41 meters), Daynata sa discuss (39.45 meters), at Torres-Sunang sa long jump sa 6.05 meters.

Sinabi ni Juico na lalahok ang mga  Pinoy sa iba pang international competitions para mahasa nang husto at maging handang-handa sa SEA Games.

“They will compete in other overseas competition to sharpen their skills and enrich their experience competing against tough foreign rivals,” ani Juico. CLYDE MARIANO

Comments are closed.