PINOY TRACKSTERS MAPAPALABAN SA CHINA

PINOY TRACKSTER

MASUSUKAT ang kahandaan ng mga Pinoy sa 30th Southeast Asian Games sa two-leg Asian Grand Prix Athletics competition na lalarga sa Linggo, Hunyo 2, sa Chongqing Province sa China.

“The event will gauge the strength and competitiveness of the Filipinos how far they go and how really prepared against crack athletes in Asia,” sabi ni American coach Roshean Griffin.

Makakatuwang ni Griffin sa paggabay sa Pinoy tracksters sina dating SEA Games long jump gold medalist Joebert Delicano at Jojo Posadas.

Apat na atleta, sa katauhan nina reigning SEA Games triple jump champion at national record holder Mark  Harry Diones, Clinton Kingsley Bautista, Filipino-American Kristina Kott at two-time Olympian at dating Asian Athletics long jump queen Marestella Torres-Sunang, ang sasabak sa torneo.

Ang kampanya ng mga Pinoy ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez bilang paghahanda sa 11-nation SEA Games na gaganapin sa bansa sa ­Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sasabak ang tubong-Bicol na si Diones sa triple jump, si Bautista sa 100m hurdles, at si  Knott sa 100m na dinomina ni fellow Fil-Am Kayla Richardson noong 2015 SEA Games sa Singapore.

Unang lumahok si Knott at nanalo sa nakaraang foreign-flavored National Open Athletics na ginawa sa Ilagan, Isabela kung saan namayani rin ang kapwa Fil-Ams na sina Brazil Olympian Eric Shawn Cray, Nicole Uy, at Carter Lily.

Sa isang panayam ay inamin naman ni Diones, two-time NCAA MVP at reigning SEA Games triple jump champion, na mahirap ang kanyang pag-daraanan dahil Asian level ang kumpetisyon at pawang mahuhusay ang kanyang mga katunggali.

“Gagawin ko ang lahat upang muling bigyan ng karangalan ang ating bansa,” aniya.

Hawak ni Diones ang SEA Games at Philippine record sa triple na kanyang ginawa sa National Open Invitational.

May 25 bansa ang kasali sa torneo na may basbas ng Asian Athletics Association.

“We sent four athletes in China to sharpen their individual skills and enrich their experience range against the best in Asia,” pahayag ni PATAFA president at Asian Athletics vice president Philip E. Juico. CLYDE MARIANO

Comments are closed.