PINOY TRACKSTERS SASABAK SA 3 INT’L TOURNEYS

PATAFA

MALALAMAN ang pangalan ng mga atletang lalahok sa Asian Games matapos ang tatlong international competitions na gaganapin sa Pilipinas, Thailand at Malaysia na magsisilbing batayan sa kanilang kakayahan na manalo ng medalya.

Ayon kay Philippine ­Athletics Track and Field Association (Patafa) official Lucy Artiaga, ang tatlong naturang kumpetisyon ay lubhang mahalaga dahil dito matutukoy ang lakas at pagi­ging kumpe­titibo ng mga atleta na isasabak sa Asiad na lalarga sa Agosto sa Indonesia.

“These three overseas competitions are crucial because these will determine the strength and competiveness of the athletes,” sabi ni Artiaga.

Dalawa pa lang ang qualified sa Asian Games, sa katauhan nina Brazil Olympian at reigning Asian Athletics middle distance king Eric Shawn Cray at fellow Filipino-Ame­rican California-based Trenten Beram.

Nang tanungin kung ilan ang ipadadala sa Asian Games, sinabi ni Artiaga na  malalaman ang official numbers matapos ang nabanggit na mga torneo.

“We will know the exact number of athletes we’re sending to the Asian Games right after these competitions,” ani  Artiaga.

Huling nanalo ang Pilipinas sa Asian Games noong 1990 sa Hiroshima ng isang tanso galing kay Elma Muros sa long jump.

Umaasa si Patafa president Philip E. Juico makapag-uuwi ng karangalan ang kanyang mga bata para wakasan ang mahabang tagtuyot sa Asian Games.

“Hopefully, we will break the jinx this time,” sabi ng dating Philippine Sports Commission chairman.

Ang athletics ang centerpiece ng Asian Games, tampok ang mahigit 40 events sa men and women. CLYDE MARIANO

Comments are closed.