PINOY TRACKSTERS SASABAK SA VIETNAM

pinoy TRACKSTERS

BILANG final overseas exposure para sa kanilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games, sasabak ang pitong atleta, sa pangunguna nina reigning triple jump champion Mark Harry Diones at decathlon ruler Aries Toledo, sa 26th Vietnam Open Athletics Championships na lalarga sa Hulyo 16 sa Sydney Olympic Park Centre sa Ho Chi Minh City.

Kasama nina Diones at Toledo na makikipagsaabayan sa mga katunggali mula sa 10 bansa sina Ronnie Mlipay, Angel Carino, Mariano Masano, Edwin Giron at Filipino-American at dating SEA Games sprint queen Kyla Ashley Richardson.

Gagabayan nina coach George Noel Posadas at Joebert Delicano ang mga Pinoy sa kanilang kampanya sa taunang torneo na inorganisa ng Vietnam Athletics at may basbas ng Asian Athletics Association.

Ang pagsabak ng mga Pinoy trackster ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Dito malalaman ang kahandaan ng mga Pinoy sa nalalapit na biennial meet.

“This tournament will test kung gaano sila kahanda physically and mentally in their quest for glory in the SEA Games,’ sabi ni coach George Noel Posadas, asawa ni track legend Elma Muros-Posadas.

Si Posadas ay may malaking papel na ginampanan sa tagumpay ni Diones sa triple jump sa SEA Games at ginabayan nito ang Bicolano athletic dynamo sa back-to-back championships sa NCAA.

Sa masusing gabay ni Posadas, si Diones ay nagtala ng bagong Philippine record sa long jump at triple sa foreign-flavored National Invitational Open Athletics na nilahukan ng mga atleta mula Malaysia, Vietnam at Brunei.

“This is the last overseas exposure of our athletes. I sent other athletes in China, Korea, Qatar, Malaysia and Singapore to harness their skills and broaden their experience as part of their preparation for the SEA Games,” sabi ni PATAFA president Philip E. Juico.

“Since we are the host and less expensive, we will field many athletes to win many medals. I am confident we will surpass the medals we got in Malaysia two years ago,” dagdag ni Juico.

May 46 events ang nakataya sa athletics, ang pinakatampok sa 56 sports na paglalabanan sa SEA Games na gaganapin sa Filipinas sa ika-4 na pagkakataon magmula noong 1981. CLYDE MARIANO

Comments are closed.