SA DALAWANG nakalipas na edisyon ng Southeast Asian Game ay itinanghal na kampeon ang Filipino triathletes at nakahanda silang idepensa ang kanilang titulo, lalo na’t ang Filipinas ang magiging host sa 11-nation sportsfest sa Nob. 30-Dis. 11.
Kakatawanin nina Cebuano teenager Andrew Kim Remolino at John Chicano ang bansa sa men’s individual race habang sina Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ang mga pambato ng local triathlon association sa women’s division.
“They had gone through several qualifying events. The best two performers in those series of qualifiers have been chosen to do the individual races,’’ wika ni Triathlon Association of the Philippines president Tom Carrasco.
Nakopo ng Filipinas ang gold at silver medals kapwa sa men’s at women’s individual races sa 2015 Singapore at 2017 Kuala Lumpur editions.
Si Nikko Huelgas, na-sideline dahil sa injuries sa kaagahan ng taon at hindi maidedepensa ang kanyang titulo, ang back-to-back champion sa men’s habang sina Claire Adorna ang sa women’s noong 2015 at Mangrobang noong 2017.
Nanguna si Remolino, 19, ng Talisay City, Cebu, ang nanguna sa lahat ng qualifying races para sa Filipino elite competitors sa swim-bike-run Olympic event.
“ May pressure talaga dahil kailangang depensahan natin ang gintong medalya sa SEA Games. Ibibigay ko lahat ng aking makakaya,’’ ani Remolino, ang Young Hero awardee para sa triathlon sa nakalipas na Siklab Youth Sports Awards 2019. CLYDE MARIANO
Comments are closed.