PINOY, TSINO BAGONG BIKTIMA NG NCOV SA UAE

ABU DHABI

ABU DHABI – KINUMPIRMA ng Ministry of Health and Prevention (MoHAP) ng United Arab Emirates na naitala ang dalawang kaso ng novel coronavirus (nCoV) sa kanilang bansa kung saan isang Pinoy at Tsino ang biktima.

Batay sa ulat ng Emirates News Agency Report, iniulat ng MoHAP na umabot na sa pito ang nCoV cases sa kanilang bansa.

Natukoy ang nasabing kaso ng sakit bunsod ng patuloy na pagsasagawa ng screening sa mga kinakitaan ng sintomas na alinsunod sa World Health Organisation (WHO) standards.

Ang panibagong mga biktima ng nCoV ay kasalukuyang inoobserbahan sa ospital habang nakikipag-coordinate na ang Mo-HAP sa lahat ng kagawaran ng pamahalaan upang tiyakin na hindi kakalat ang tinaguriang Wuhan virus.

Magugunitang noong Enero ay may na-diagnose na tinamaan ng coronavirus na kauna-unahan sa Middle East. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.