PINOY UNANG BIBIGYAN NG WORK

Salvador Panelo

TINIYAK ng Malacañang sa publiko na uunahing mabigyan ng trabaho ang mga manggagawang Filipino kaysa sa sinumang dayuhan sa Filipinas.

Ito ang binigyang- diin ng Malacañang matapos  na lumabas ang isang survey na nagsasabing ikinakabahala ng mga Filipino ang pagtaas ng bilang ng mga Chinese nationals sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng Filipino at maging ang local labor force.

Aniya, may mga immigration at labor policies na makakasiguro na kailanman ay hindi maaaring unahin ang mga manggagawang banyaga kaysa sa mga Filipino.

Una nang sinabi ni Panelo na duda siya sa naging resulta ng nabanggit na survey ng SWS dahil closed-ended na ang mga ‘questionnaire’ na sinagot ng mga respondent. DWIZ882

Comments are closed.