RUSSIA – ISA na namang Pinoy ang nagbigay ng parangal sa Pilipinas nang maibulsa nito ang bronze prize sa Portfolio-Fine Art category sa 2018 iteration ng Moscow International Foto Awards (MIFA).
Si Rommel Lugada, Industrial Designer / Photographer, ay nanalo sa kanyang portfolio na naglalaman ng 10 colored and 10 black & white photographs ng kaniyang mga biyahe sa Pilipinas.
“All composed with natural lighting and mostly chasing with sunlight while exploring other images with shapes, forms, textures, rhythm, patterns, point of view, framing and simplicity in composition,” ayon sa MIFA.
Bago manalo sa MIFA, kinilala si Lugada mula sa International Photography Awards sa Pilinas, Estados Unidos, at sa Tokyo International Foto Awards noong 2017.
Tampok naman ang mga inilabang larawan sa Best of Show exhibition sa Moscow.
Bukod kay Lugada, nanalo rin sa international photography contest noong 2017 ang “The Feast of Black Nazarene in Manila” entry ni Jophel Botero Ybiosa na nasa 1st Place Category. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.