IGINIIT ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na dapat bigyang prayoridad ang mga Filipino na magtrabaho kaysa ang mga dayuhan.
Tugon ito ni Santos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan na lamang magtrabaho ang mga Chinese sa bansa sa halip na i-deport dahil maaring malagay sa panganib ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa China.
“We have our laws. All must follow and observe laws. Their entry, stay and work must be legal, and if not, so apply the law. No exception, no spe-cial treatment,” ayon kay Santos, sa panayam ng church-run Radio Veritas.
Sinabi pa ng obispo na hindi dapat pangambahan ang OFWs sapagkat sumusunod naman ang mga ito sa batas at mga alituntunin sa mga bansang pinagtatrabahuan nila.
“Our OFWs obey and fulfilled the laws of the countries where they work and reside,” dagdag ng Obispo.
Umaasa naman si Santos na bibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang mga manggagawang Filipino na makapagtrabaho rito sa bansa upang mapigi-lan ang pagdami ng mga umaalis na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.
Aniya, kaakibat nang pagbibigay ng trabaho, dapat rin aniyang ibigay ang wastong pasahod at benepisyo sa mga manggagawa upang matulungan sa mga tumataas na presyo ng bilihin.
“Our OFWs are skilled labourers and they are most sought after workers. So our Filipinos are very much qualified. Prioritize them, Filipinos first and give them works here so that there will be no need of going abroad. Opportunities, such as works, first and foremost be offered, given and awarded to Filipinos,” saad pa niya. ANA ROSARIO HERNANDEZ