PINOY WORKERS SA US NAGTRABAHO KAHIT WALANG SUWELDO

us

USA – KAPIT sa patalim ang mga Filipino worker sa Estados Unidos at nagtrabaho ang mga ito kahit pa walang suweldo dahil apektado ng temporary government shutdown.

Kabilang sa 800,000 Filipino workers ang mga nasa law enforcement o mga pulis at kasapi ng Federal Bureau of Investigation para prote­k­siyonan ang sambayan.

Gayunman, may mga nagtatrabaho pa sa postal workers na nakatatanggap pa rin ng suweldo dahil sa semi-private ito.

Habang, nasa 30 porsiyento pa ang makukuha ng nasa Department of Transport dahil hindi puwedeng itigil ang operation kagaya sa mga paliparan.

May natira ring pondo para sa coast guard na nakuha ni President Donald Trump para ipa-suweldo, subalit hanggang Pebrero nalang ito.

Positibo  naman ang karamihan sa pag-upo ng bagong Speaker of the House na si Nancy Pelosi na maging maayos ang pag-uusap ng dalawang par-tido, na pareho naman aniyang may magandang hangarin pero hindi lang nagkakauna­waan.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.