PINOY WORKERS UUNAHIN SA MAKATI SUBWAY PROJECT

CONSTRUCTION WORKER

TINIYAK ng kompanya na mangangasiwa sa pagtatayo ng Makati City subway system na bibigyang prayoridad ng proyekto ang mga manggagawang Pinoy

Ayon kay Philippine Infradev president and CEO Antonio Tiu, ang  $3.5-billion project ay kukuha ng hanggang 10,000 workers.

“I would always like to remind all the investors to make sure that its always the Filipino first. So, just like the subway, it’s going to employ 10,000 people,” wika ni Tiu.

“There are strict requirements in our JD (joint development) agreement that all the laborers has to come from Makati or local community,” dagdag pa niya.

Ang subway ay makatutulong para masolusyunan ang trapiko sa lungsod.

Sa paggamit ng subway ay makarara­ting ang mga commuter sa Ospital ng Makati mula sa ­EDSA-Ayala sa loob lamang ng 10 minuto.

Ang subway ay inaasahang matatapos bago magwakas ang huling bahagi ng 2024 at magiging operational sa 2025.

Magkakaroon ito ng 10 estasyon at anim na car trains na kayang mag-accommodate ng 200 katao kada car train.

Comments are closed.