Pinoy Workers vs Climate Change

TAUNANG  ipinagdiriwang sa Pilipinas at sa buong mundo ang Araw ng Paggawa. Sa ating bansa, Mayo Uno ang nakalaang araw para sa ipagdiwang ang pagpupunyagi ng mga masisipag na manggagawang Filipino sa buong undo.

‘Araw ng mga Manggagawa’. Isang dakilang araw para sa mga mamamayan ng Pilipinas, ngunit panahon upang bigyan ng pagkakataoin ang bawat isang makapagpahinga at makipagsaya sa mga mahal sa buhay at kaibigan. Kahit sa Palasyo ng Malacanang, ipinagdiriwang ito, kahit pa nga patuloy silang binabatikos dahil napakaliit pa rin ng sweldo ng manggagawa.

Unang ipinagdiwang ang Labor Day sa Pilipinas noong May 1, 1903 kung saan mahigit 100,000 manggagawa ang inorganisa ng kauna-unahang labor union sa bansa, ang “Union Obrera Democratica de Filipina (U.O.D.F.).”

Nagmartsa sila mula sa Plaza Moriones sa Tondo hanggang Malacanang upang humingi ng tamang sweldo at mas maayos na working conditions sa mga Americanong nagpapatakbo noon ng gobyerno. Ito ang kauna-unahang ptotestang isinagawa ng mga Filipino na isinagawa sa mga kalsada ng Maynila.

Itinatag ang U.O.D.F. noong February 1902 nina Isabelo Delos Reyes at Herminigildo Cruz upang ipaglaban ang karapatan ng mga mangagawa.

Noong August 1902, inaresto si De los Reyes at kinasuhan ng rebelyon, sedition, at “conspiracy to raise the price of labor.” Pumalit sa kanyang pwedto si Dominador Gomez, ngunit inaresto rin siya at kinasuhan tulad ni Delos Reyes.

Makalipas ang limang taon, noong April 8, 1908, ipinasa ng Philippine Assembly ang batas na kumikilala sa May 1 biang Labor Day at idineklara pa itong national holiday. Ginanap ang unang Labor Day celebration noong May 1, 1913, nang muling kalapin ni Herminigildo Cruz – isa sa mga founder ng U.O.D.F., — ang Congreso Obrero de Filipinas. Humingi sila ng maayos na working conditions para sa labor sector, kasama ang walong oras na trabaho kada-araw, pagbabawal sa child labor, equal labor standards para sa kababaihan, at liability ng nagpapatrabaho sa mga nagtatrabaho sa kanila.

Sa simula pa lamang, ang Labor Day ay katumbas na ng mga demonstrasyon.

Ngayong 2024, nakatutok ang gobyerno upang siguruhing ligtas at malusog ang mga manggagawa sa kabila ng matinding pagbabago ng panahon.

May apat na uri ng manggagawa. Sila ay ang skilled, unskilled, smi-skilled at professional. Sa pagtutulong-tulong nila, nalilikha ang aktibong pwersa sa paggawa. Sa Araw ng Paggawa, May 1 ng bawat taon, kinikilala at pinararangalan ang mahalagang kontribusyon ng lahat ng manggagawa upang isulong ang ekonomiya ng bansa gayundin sa social development ng sosyedad. Kinikilala rin ang kanilang paghihirap, lalo na ang mga Filipino na nagtatrabaho sa ibag bansa.

Sa ika-121 taong pagdiriwang ng Pilipinas ng Araw ng Paggawa sa pangunguna ng Ama ng Philippine labor movement na si Isabelo de los Reyes, alalahanin ang mga pagpupunyagi ng mga Filipino para sa kanilang bayan at pamilya.

Bilang pagpapahalaga sa mga manggagawa, sa mismong araw na ito ay nakagawian nang hindi magsoot ng damit na kulay puti dahil ang puti ay banayad na pagpapakitang hindi ka isang manggagawa kundi isang tamad na taong umaasa lamang sa mga kapamilyang nagpapakahirap. Of course, hindi naman talaga bawal magsoot ng puti. Ito ay bilang pagpapakumbaba lamang at pagkilala sa dangal ng trabaho. Matapos ang May 1 celebration, pwede na uling magsoot ng puti kung mahilig ka talaga sa puti.

Asul ang tamang kulay na isoot upang ipakita ang suporta sa Labor Day celebration. Marahil nga, dito nag-ugat ang sinasabi nilang white collar para sa mga professionals at blue collar para sa mga skilled workers. Sa totoo lang, hindi white o blue ang isinosoot ng mga manggagawa – depende sa kulay ng kanilang uniporme.

Anumang kulay ang isinosoot nila, professional man o skilled o unskilled o semi-skilled, asta araw nila ngayong May 1 at makiisa tayo sa selebrasyon.