PASOK ang Bulalo at Sinigang na Baboy ng Pinoy sa Top 20 ng TasteAtlas’ 100 Best Meat Soups in the World.
Nailagay sa ika-17 ranggo ang Bulalo sa nasabing food platform bilang isang tradisyunal na Filipino soup.
Habang ang Sinigang na Baboy ay nasa ika-18 puwesto na may grade na 4.4 stars.
Topnotcher ang Rawon ng Indonesia, na sinundan ng isa pang Indonesian soup, na Soto Betawi, at nasa ikatlong pwesto ang Beyran Corbasi, isang breakfast staple ng Turkiye.
Pang-apat at pang-limang puwesto ang Tonkotsu Ramen at Miso Ramen ng Japan.
Sa noodle dishes, nanguna ang Palabok sa TasteAtlas’ list of Best Filipino Noodle Dishes, habang ang Chicken Inasal ang una sa bilang ng Best Filipino Food.
Ang TasteAtlas ay isang international publication na regular na tumutuklas ng masarap na lokal na pagkain sa mga bansa.
EUNICE CELARIO