PINSALA NG EL NIÑO SA AGRI P5.05-B NA

EL NIÑO-2

UMABOT na sa P5.05 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño phenomenon, ayon sa Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center.

Sinabi ng DA DRRM Operations Center na ang pinsala sa crops sector ay tumaas na mula sa naunang iniulat na P4.35-billion na halaga ng pinsala.

Ang tagtuyot at dry spell ay nagresulta sa pagkasira ng tinatayang volume na 276,568 metric tons (MT) ng bigas at mais mula sa 233,007 MT  na naitala noong Marso 31. Lumaki rin ang pinsala sa agricultural lands sa 177,743 hectares na nakaapekto sa 164,672 magsasaka, mula sa 149,914 hectares at 138,859 magsasaka.

Sa rice sector pa lamang ay pumalo na ang pinsala sa P2.69 billion na may 125,590 MT volume production loss, 111,851 hec-tares, at 108,845 magsasaka na naapektuhan sa kabuuang 37 lalawigan sa buong bansa.

Para sa mais, ang losses ay tinatayang nagkakahalaga ng P2.36 billion na may 150,978 MT volume production loss, 65,892 hectares, at 55,827 farmers na naapektuhan sa 17 pro­binsiya.

Ang mga naapektuhang rehiyon at kanilang mga probinsiya ay ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mt. Province; Ilocos Region: Pangasinan; Cagayan Valley: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino; Central Luzon: Bulacan; Calabarzon: Batangas, Laguna, Rizal, Quezon;

Mimaropa: Occidental Mindoro; Bicol Region: Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate; Western Visayas: Aklan, Antique, Iloilo, Negros Occidental;

Eastern Visayas: Biliran, Leyte, Northern Samar, Samar; Zamboanga Peninsula: Zamboanga City, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte; Northern Mindanao: Bukidnon, Misamis Oriental; Davao Region: Davao del Sur;

SOCSKSARGEN: Cotabato; at BARMM: Lanao del Sur, Maguindanao.

Ayon sa DA DRRM Operations Center, may kabuuang P95.875 million na financial assistance mula sa Agricultural Credit Poli-cy Council (ACPC) ang inilaan sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program para sa 3,835 apektadong magsasaka.

Comments are closed.