PINSALA NG EL NIÑO SA AGRI PUMALO NA SA P4.35-B

El Niño-7

UMAKYAT na sa P4.35 billion ang pinsala ng El Niño sa agrikultura, ayon sa  Department of Agriculture (DA).

Sinabi ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng DA na mahigit ito sa triple o mas mataas ng 227.06 percent sa inisyal na pagtaya na P1.3 billion, na iniulat ng ahensiya noong nakaraang linggo.

Sa pinakahuli nitong report, inihayag ng DA  na ang total area na apektado ay 149,494 hectares,  kung saan ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang bumubuo sa 31 percent.

Sumusunod ang Region V na may 19 percent, II na may 16 percent, BARMM na may 9 percent, X na may 8 percent, IV-B na may 6 percent, at VIII na may 5 percent.

Pagdating sa volume, may kabuuang  233,006 metric tons (MT) ang nawala dahil sa El Niño.  Nasa 62 percent o 125,589 MT ang nawalang rice production, habang ang nalalabing 38 percent o 107,416 MT ay mais.

Pagdating naman sa  value, may P2.69 billion ang nawala sa bigas, at P1.66 billion sa corn production.

Idinagdag ng DA na P95.875 million na financial assistance mula sa  Agricultural Credit Policy Council ang inilaan sa Survival and Recovery Assistance Program para sa may 3,835 apektadong magsasaka.

Gayunman, sa pinakahuling datos ay lumabas na may kabuuang 138,859 magsasaka ang naapektuhan ng El Niño: 108,845 rice farmers, at 30,014 corn farmers.

“Field validation is still ongoing in the affected regions,” wika ng DA DRRM Operations Center sa isang post sa Facebook account nito.

“The DA-DRRM Operations Center will continue to monitor and provide further updates on the effects of El Niño,” sabi pa nito.

Comments are closed.