PINSALA NG EL NIÑO SA CEBU UMABOT NA SA P100-M

EL NIÑO

ISINAILALIM sa state of calamity ang buong probinsya ng Cebu dahil umabot na sa P100-million ang pinsala sa agriculture at fisheries sa buong probinsiya kaugnay ng nararanasang El Niño phenomenon.

Sa isang panayam kay Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management head Baltazar Tribunalo Jr., sinabi nito na maraming mga pananim sa probinsya ang nasalanta dahil na rin sa matinding init ng panahon.

Ayon kay Tribunalo, patuloy ang kanilang paglilibot sa mga bayan at lungsod ng probinsya upang malaman ang mga pa­ngunahing panganga­ilangan ng mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.

Tinutukan naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang karagatan ng bayan ng Daanbantayan dahil sa pag-atake ng mga crown-of-thorns na pumapatay sa mga corals.

Comments are closed.