PINSALA NG EL NIÑO SA PANANIM SA CEBU CITY UMABOT SA P27.5-M

El Niño-4

UMABOT na sa PHP 27.5 million ang pinsala ng dulot ng El Niño sa mga pananim sa 28 upland barangays sa Cebu City ayon sa City Agriculture Department kamakailan.

Sinabi ni City Agriculturist Apple Tribunalo na ang halaga ng pinsala dala ng tagtuyot ay halos dumoble mula sa PHP14.9 million nairekord noong nagdaang buwan.

Gayundin, 668 magsasaka ang apektado rin aniya.

Dahil ang pinakaproblema sa upland barangays ay dala ng kakulangan sa tubig, may ilang magsasaka na nai-report na naghuhukay ng dagdag na poso para kahit papaano ay matugunan ang kanilang kakulangan sa tubig.

“There are still water sources in the upland barangays that have not yet dried up, but some farmers have made an effort to look for additional water sources by digging other wells,” lahad ni Tribunalo sa isang panayam.

Base sa  pinakahu­ling assessment report ng City Agriculture Department, ang pinsala sa 22.1 ektarya ng pananim na kamatis ay nasa PHP4,309,500, ang pinakamataas sa lahat ng apektadong pananim.

Kahit paano, may 95 metric tons ng  leafy lettuce na nagkakaha­laga ng PHP3.3 million at 9.5 ektarya ng cut flower na nagkakaha­laga ng PHP3.1 million ay napinsala rin.

Ang ibang pananim na nasalanta ng sob­ra ay ang mais  na nagkakahalaga ng  PHP2.475 million, talong na nagkakahalaga ng PHP2,447,060, head lettuce na nasa PHP2.244 million, at hot pepper na nasa PHP2 million.

Sinabi ni Tribunalo na nakapamahagi na sila sa mga apektadong magsasaka ng 1,200 plastic drums para sa  water storage, 500 hose, 150 power sprayers, at ilang  polyethylene liners para sa water impounding.

Wala namang naireport na pagkapeste sa mga hayop dala ng heat stroke.   PNA

Comments are closed.