PINSALA NI ‘AMBO’ SA AGRI PUMALO SA P1.04-B

Department of Agriculture-2

UMAABOT na sa mahigit P1 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Ambo sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), hanggang alas-7 ng gabi noong Linggo, Mayo 17, ang kabuuang halaga ng pinsala ng bagyo ay lumobo sa P1.04 bilyon mula sa  P185.53 milyon sa naunang araw.

Tinatayang aabot sa mahigit 20,600 na ektarya ng pananim ang napinsala at 21,655 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

“The vast increase is due to the updated reports from CALABARZON, Bicol and Eastern Visayas Regions, and additional reports from Central Luzon,” paliwanag ng DA.

Ang naunang datos ay para lamang sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

Ang mga lugar na nagtamo ng matinding pinsala ay ang CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas.

Ayon pa sa DA, 73% o P755.57 million ng total damage and losses ay nagmula sa high value crops, kung saan 87% o P602.06 million ay kinabibilangan ng mga saging at papaya sa Quezon province.

Comments are closed.