PINSALA NI ‘KARDING’ SA AGRI UMAKYAT NA SA P3.077-B

UMABOT na sa P3,076,968,120.04 ang tinatayang pinsala na iniwan ng bagyong Karding sa agrikultura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Samantala, ang danyos sa livestock, poultry, at fisheries ay tinatayang nasa P14,141,725.

Ayon pa sa NDRRMC, may kabuuang 104,500.90 farmers at fisherfolk at 166,630.11 ektarya ng pananim ang naapektuhan ng bagyo.

May kabuuang 57,080 bahay at 43 imprastruktura (roads, schools, utility services facilities at iba pa) ang winasak ni ‘Karding’.