PINSALA NI ‘TISOY’ SA AGRI PUMALO SA P1.93-B

PINSALA NI TISOY

UMAKYAT sa halos P2 billion ang pinsalang iniwan ng bagyong Tisoy sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa pahayag ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng DA, ang damage at losses na idinulot ni ‘Tisoy’ ay lumobo sa P1.93-B mula sa P531.6-M.

Ang damage assessment ay nagmula sa updated reports mula sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Bicol, Central Luzon, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), at Western Visayas.

Ang volume ng production loss ay umak­yat sa 106,525 metric tons mula sa naunang napaulat na 18,455 metric tons.

Ang bagyo ay nakaapekto sa 47,639 ektarya ng agriculture land at sa  20,830 magsasaka.

Ang mga apektadong pananim ay palay, mais, high value crops, livestock at agri-faci­lities.

“Interventions are ready for distribution to affected farmers and fisherfolk in Bicol Region amounting to P181 million for rice, corn, high value crops, livestock, credit fund, relief goods, fishing paraphernalia, allocation for dry season planting and coconut seedlings,” ayon sa DA.

Ang DA-Regional Field Offices III, IV-A, Mimaropa, V at VI ay may seed reserves na 76,060 bags ng rice seeds, 14,672 bags ng corn seeds at 322 bags ng high value crops seeds para ipamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Patuloy na nagsasagawa ang mga kinauukulang DA regional field office ng monito­ring at field validation sa mga apektadong lugar.

“The DA-DRRM Operations Center will continue to provide updates,” dagdag ng DA.   PILIPINO Mirror Reportorial Team