PINSALA SA INFRA NG ABRA QUAKE PUMALO NA SA P1.2-B

UMAKYAT na sa P1.2 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa Northern Luzon noong nakaraang Hulyo 27.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo sa kabuuang P651,519,209 ang naiulat na halaga ng pinsala sa Ilocos Region; P32,029,162.81 sa Cagayan; at P568,740,000 sa Cordillera Administrative Region.

Aabot sa kabuuang 28,702 na kabahayan ang nawasak kung saan, 28,289 sa mga ito ang bahagyang napinsala habang 413 ang lubhang napinsala o totally damaged.

Samantala, nananatili naman sa 10 ang napaulat na nasawi sa lindol at 394 ang mga napaulat na nasugatan.

DWIZ 882