PINSALA SA PANANIM SA GENSAN P12-M NA

El Niño-8

UMABOT na sa PhP12.4 milyon ang pinsalang dala ng El Niño phenomenon sa mga pananim sa Ge­neral Santos City, na nakaapekto na rin sa ibang lugar nitong nagdaang linggo.

Sinabi ni Elsie Villanueva, assistant head ng City Agriculture Office (CAO), kamakailan na ipinakita sa kanilang monitoring ang mga lugar na sakahan na naapektuhan ng tagtuyot ay umabot na sa mahigit na 300 ektarya.

Sinabi ni Villanueva na nairekord ng local government ang total damage ng PHP3.7 mil­yon para sa palay at mais, at PHP8.6 milyon para sa ibang high-value crops. Ang mga apektadong barangay ay ang San Jose, Upper Labay, Batomelong, Sinawal, Tinagacan at Olympog.

Sinabi niya ang tinamaan ng pinaka­matinding pinsala ay ang Barangay San Jose, na nag-report ng total na 102 ektarya ng apektadong farmlands, karamihan ay natataniman ng saging na nakasasakop sa 32 magsasaka.

May ilang 23 ektarya ng mga napinsalang mga banana plantations sa lugar na kinokonsi­dera na sobrang napinsala dahil sa kakulangan ng irigasyon.

“Our field personnel are conducting weekly monitoring to properly determine the status of the affected farms and set immediate  interventions,” lahad ni Villanueva sa isang panayam.

Sinabi niya na ang halaga ng nairekord na pinsala ay nadagdagan dahil sa apektadong banana plantation, lalo na ang cardava at lacatan. Sinabi niya na may mga nai-report din na pinsala sa cacao plantations sa barangay Tinagacan at Olympog.

Sinabi pa ng opisyal na umaasa sila na ang pabugso-bugsong pag-ulan dala ng low-pressure area ng mga nakaraang araw ay magbibigay daan para sa ibang natitirang pananim na makabawi.

“If the rains will continue, even just moderate, some of our crops can benefit from it,” sabi niya.

Gumagawa ang gobyernong lokal ng paraan para magkaroon ng seed assistance para sa mga apektadong palay at corn farmers, gayundin sa seedlings para sa  damaged banana plantations, ani Vil-lanueva, dagdag pa na sila ay nakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture para sa ayuda sa ibang farm inputs.    PNA

Comments are closed.