PINTAFLORES SELEBRASYON NG MGA BULAKLAK

Kahit sinalanta ng bagyong Kristine ang Pangasinan, sulyapan pa rin natin ang kulturang pamana ng makulay na pagdiriwang Pintaflores.

Ang Pintaflores ay kumbinasyon ng dalawang events sa San Carlos City: ang  Nabingkalan Tattoo Festival (pinta, mula sa salitang pintados o “tattooed”) at Dances of Flowers (flores). Ginagawa ito bilang pagpapahalaga kay San Carlos (St. Charles) Borromeo, patron saint ng siyudad.

Historically speaking, nagsimula ito bilang pagdiriwang sa mga pagsubok at panalo ng isang prinsesa bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Batay sa alamat, may isang prin­sesang nag­nga­ngalang Princess Nabingka na nagmula pa sa Cebu City, ang nakarating sa San Carlos. Dumaan siya sa mga pagsubok na ang kalaban ay mga kalalakihan, at siya ang nagwagi. Napakaganda umano ni Princesa Nabingka kaya tuwing sasapit ang Pintaflores Festival ay nagsasagawa rin sila ng pageant upang pumili ng bagong Prinsesa.

Tampok sa pagdiriwang ang mga dance dramas hinggil sa kamatayan at tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan, bukod pa sa mga rhythmic dances, na nagpapakita ng kasiyahan at pasasalamat sa mga tagumpay at biyayang kanilang nakamtan.

Ngayong November 3-5, muli na namang nagsagawa ng pagdiriwang kahit karamihan sa mga kabahayan ay naglilinis pa dahil sa bahang katatapos lamang. Nagpaligsahan din sa ganda ang mga kandidata sa beauty pageant, soot ang naggagandahang mga bulaklak o flower costumes, habang inirerepresenta ang kanilang iskwelahan o tribo.

Sa 2024 Pintaflores Festival Queen Competition, nanalo si Princess Mae Marinay ng Tribu Tribu Valmorados Lupedad bilang Pintaflores Festival Queen 2024. Mula siya sa Central Philippines State University (CPSU) San Carlos.

Nakuha rin ni Marinay ang Best Solo Performance, Best Group Performance, Best in Production Number, at Miss Photogenic awards.

First runner-up naman si Virgeria Mae Jagdon ng Tribu Euzkara at Best Festival Queen Costume. Si Julie Vie Bula naman ng Tribu Sumilaw ang 2nd runner-up title.

Vamos San Carlos!

RLVN