PINTOR, 2 PA NALAMBAT SA BUY-BUST

arestado

BULACAN-TATLONG drug pusher na kinabibilangan ng isang pintor at kapit-bahay na mason ang nadakip ng Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU) makaraang  kumagat sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sto.Nino,Plaridel noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Police Director Col.Lawrence B. Cajipe,ang mga naarestong sina Manuel Leoncio,43-anyos, pintor; RodelioViolanta,43-anyos,mason at Alvin Barcebal,pawang residente at magkakapit-bahay sa Barangay Sto.Nino,Plaridel na nakapiit ngayon sa detention cell ng Bulacan PIU sa Camp.Gen.Alejo S. Santos sa Malolos City.

Ayon kay P/Cpl. Resty B. Delima,may hawak ng kaso,dakong alas-9:19 ng gabi nang magsagawa ng drug operation ang Bulacan PIU sa pangunguna ni P/Major Jansky Andrew Jaafar sa  Barangay Sto.Nino,Plaridel at umaktong poseur-buyer ang Intel operatives ng Bulacan PNP sa kanilang target na si Leoncio at ang dalawa kasama nito.

Hindi na nakapalag ang mga suspek na itinuturong source ng droga sa lugar nang makipag-transaksiyon sa awtoridad at makumpiska ang 12 medium size plastic sachet ng shabu na hindi pa matiyak ang halaga,dalawang digital weighing scale,buy-bust money at isang itim na kahon na pinaglagyan ng droga.

Agad na ipinasailalim sa drug test ang tatlong suspek na aminadong gumagamit at nagbebenta ng droga.

Tiniyak ng Bulacan PNP na lalo nilang paiigtingin ang kampanya laban sa droga sa probinsiya bunga ng direktiba ni P/Brig.Gen.Valeriano De Leon,Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3) na malinis ang buong rehiyon sa ipinagbabawal na droga. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.