PINTOR AT WELDER ARESTADO SA BARIL

ARESTADO ng 301st Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 3 at San Jose Del Monte Police sa Bulacan sina alyas Ping at Pong, painter at welder dahil sa pagdadala ng baril.
Kuha ni THONY ARCENAL

BULACAN – ARES­TADO ng pinagsanib na puwersa ng 301st Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) at San Jose Del Monte City Police ang isang pintor na lalaki, dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril sa Brgy. Sapang Palay sa nabangGit na lungsod.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong, kinilala ang  suspek na si  alyas “Ping” nasa hustong gulang, residente  sa nabangit na lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na alas-11:10 ng gabi nang ma­sukol ang suspek habang nakasukbit ang baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang cal.38 revolver na puno ng bala.

Samantala nadakip din sa follow-up ope­ration ng mga pulis ang isang welder sa Brgy, Tungkong Mangga alas-1:25 ng madaling araw.

Kinilang ang suspek na si alyas Pong, 47-anyos, binata, ng Brgy, San Manuel, tubong Butuan City.

Nakuha mula sa suspek ang isang Colt magnum 22 na may serial no. 242112, na may dalawang bala.

Kasong paglabag sa  Republic Act 10591 o (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang  isasampa laban sa suspek.

Pinuri naman ni Police Region Office III Director BGen. Red Maranan ang masigasig na operasyon ng Bulacan Police at maging ng SJDM Police.

THONY ARCENAL