PINATITIYAK sa Department of Education (DepEd) at school officials na hindi sila gagamit ng anumang pinturang may sangkap na nakalalasong lead sa isinasagawa nilang Brigada Eskuwela, o ang paglilinis at paghahanda ng mga school facilities para sa pagbabalik-eskuwela ng mga estudyante.
Ito ang payo ng environmental watch group na EcoWaste Coalition kasunod ng pagdaraos ng Brigada Eskuwela ng DepEd bunsod ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa public schools sa Hunyo 4, Lunes.
Nagbabala pa ang grupo na ang mga decorative paint na may sangkap na lead ay maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao.
“We call upon all school heads and teachers to exercise the utmost vigilance to ensure that banned leaded paints are not used to decorate classroom walls, windows, doors, desks, and tables, and other school amenities during the Brigada Eskuwela,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.
Sinabi ng grupo na bagamat ang mga lead-containing decorative paint na ginagamit sa pagpapaganda ng mga tahanan, paaralan, daycare centers, at mga paaralan, gayundin sa mga laruan at iba pang produktong pambata, ay na-phase out na noong Disyembre 31, 2016, alinsunod sa Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), maaari anilang mayroon pa ring mga lumang stock ng mga naturang nakalalasong pintura na mabibili sa merkado.
Dahil dito, pinaalalahanan ng grupo ang mga paint consumer na tiyaking ligtas sa lead ang bibilhin nilang pintura, lalo na kung gagamitin ito sa kanilang tahanan at sa paaralan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.