‘PINUNO’ POSITIBO SA COVID-19

SEN LITO LAPID.jpg

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Senador Lito Lapid, ayon sa staff nito.

“We wish to confirm that unfortunately, Pinuno tested positive in his COVID-19 RT-PCR test,” ang pahayag ni Atty.  Jericho Acedera, chief of staff ni Lapid.

Naka-confine si Lapid sa  Medical City Clark at ayon sa mga doktor nito,   mild to moderate ang kaso ng senador.

Nagpa-swab test na rin ang mga  naging close contacts nito.

Ayon kay Acedera, nagnegatibo sa COVID-19 ang  close-in employees ni Lapid.

Humingi naman ng panalangin sa publiko si Acedera para sa mabilis na paggaling ni Lapid na kilala sa tawag na ‘Pinuno’ mula sa  television action drama series “Ang Probinsyano.”

4 thoughts on “‘PINUNO’ POSITIBO SA COVID-19”

Comments are closed.