ITINALAGA bilang acting director ng Quezon City Police District (QCPD) si Brig. Gen. Redrico Maranan, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa General Orders Number ng NHQ-GO-DES-2023-4028 mula sa tanggapan ng The Acting Chief of Directorial Staff na pinamumunuan ni Lt. Gen. Emmanuel Peralta, epektibo nitong Agosto 31 ang pagtatalaga kay Maranan sa QCPD kapalit ng nagbitiw na si BGen. Nicolas Torre III.
Nakasaad din sa nasabing order na papalit naman bilang acting PIO chief si Col. Jean Fajardo.
Ang general order ay may lagda ni MGen. Robert Rodriguez, hepe ng The Director for Personnel and Records Management.
Magugunitang si Torre ay itinalaga bilang QCPD Director ng QCPD noong isang taon at kauna-unahang Director ng QCPD na naglabas ng inisyatibo ng 3-minute Quick Response sa lungsod.
Nagbitiw ito noong Agosto 30, bilang director ng QCPD upang mabigyan-daan ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa viral na road rage issue ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales at siklista noong Agosto 8. PAULA ANTOLIN