PIO SEMINAR WORKSHOP NG PNP-CAVITE INILUNSAD

CAVITE – TAGUMPAY ang inilunsad na one-day seminar/workshop ng Cavite Police Provincial Office na may temang “Empowering Public Information Officers” na ginanap sa The Bayleaf Hotel, Brgy. Manggahan, General Trias City kahapon ng umaga.

Aabot sa 23 opisyal na tumayong representante mula sa iba’t ibang police station sa nasabing lalawigan ang lumahok sa seminar na layuning palakasin at patibayin ang ugnayan ng Media at pulisya sa pagbibigay ng dekalidad at mapagkakatiwalaang impormasyon sa publiko.

Naging panauhing pandangal si Cavite Police Director P/Col. Christopher F. Olazo habang ang mga resource speaker naman ay sina Willy Perez ng Radyo Pilipino; Kier Gideon Paolo Gapayao ng Phil. Information Agency-Calabarzon at si Rossel Calderon ng GMA News and Public Affairs.

Kabilang sa mga lecture na naipaliwanag ng 3 resource speaker ay ang “Strengthening One’s Strength as Public Information Officer ni Perez; Basic News Writing ni Gapayao, at ang Television Interview: Setting the Phase for Effective Public Information Dissemination ni Calderon.

Bukod sa 23 PNP representaive na lumahok sa nasabing workshop ay naka-virtual zoom naman ang mga hepe ng pulisya para makibahagi sa programa na may kaugnayan din sa Peace and Security Framework na Makasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunkaran (M+K+K=K). MHAR BASCO