PIOLO PASCUAL KINARIR NA RIN ANG FOOD BUSINESS KASOSYO SI ALEX GONZAGA AT BF

BUKOD sa kanyang film production, nag-venture na rin sa food business si Piolo Pascual at months agoentra eksena ay binuksan niya ang sariling franchise ng Shawarma brand na kanyang iniindorso.

“There was an opportunity so why not, ‘di ba? And when you believe in the product that you endorse, of course, you want to do something else. And a lot of my friends have already done them and sabi ko, why not do it myself? I’m always here. I’m always in the area. And the owner of this place is a good friend of mine so I just thought of putting up a branch here,” sabi pa nito sa isang interview sa isang online site.

By the way may tatlong kasosyo si Piolo sa negosyong ito at dalawa sa kanila ay ang mag-sweetheart na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na isang young businessman din. “Matagal na kaming magka­kilala ni Mikee and magkabarkada kami. Since they own the property, we just thought of putting a business… kasi patok na patok siya sa tao. Mahilig din kaming kumain. After workout, wala kaming makainan. Ang sabi ko they have this area, they have this opening here, why not Turks? Kasi matagal na rin. Akala ng tao, ako ang may ari ng Turks. It’s only my first branch and I’m sharing with a lot of other people,” he said, adding that he is happy with the growth of the brand.

NILOKONG SHOWBIZ WANNABE DOVIE SAN ANDRES MAGPOPRODYUS NG INDIE FILM

DOVIE SAN ANDRESNAKATANGGAP kami ng throwback photo ng controversial na personality na si Dovie San Andres na matagal ng based sa Canada kasama ang tatlong anak na lalaki, sister, at ang kanyang father na alagang-alaga niya. Sa ganda at kaseksihan ni Dovie during 90s ay puwede siya sa showbiz at marami sanang kakabugin na mga actress na nagpapa-sexy noon sa movies.

Pero dahil sa kawalan nga ng suporta mula sa kanyang family sa Bicol ay naudlot ang pagpasok ni Dovie sa showbiz. Sa kanyang pangalawang attempt na ma-penetrate ang showbiz ay hindi pa rin nangyari dahil niloko lang siya ng mga kausap niya. Ang tragic incident ay naulit kay Dovie noong 2009 kung saan lantaran ang ginawang pag-i-scam sa kanya ng pinaniwalaan at pinagkatiwalaang director kuno sa indie na si Paolo Buera o Aristotel Buera. Sobra-sobra raw ang ginawa sa kanya ng taong ito na pati dalawang anak niya ay nagkaroon ng matin­ding trauma, dahil sa na­ging trato nito sa kanilang mag-iina.

Ayon kay Dovie umabot sa milyones ang naloko sa kanya ng direktor-direktoran.

Pero dahil, sa pa­ngarap nga na makaarte sa big screen, ay hindi na mapipigilan si Dovie na siya mismo ang magpoprodyus ng pagbibidahan niyang indie film na may tentative title na “Sumisigaw Ang Puso Ko,” at magso-shooting na si Dovie at mga co-star sa early of April next year. At laban kayo kay Dovie, tatlo raw ang leading men niya sa said film.

Comments are closed.