HINDI na nga raw mapigilan ng Mommy Amy ni Piolo Pascual na kulitin ito sa pagbibigay sa kanya ng mga apo.
Kaya naman daw ‘yun ng actor, na binigyan ang sarili ng mga target ages to have and raise his own family. kaso, dumadaan lang ang mga ito.
At ngayon nga, mas malabo raw na mangyari ‘yun dahil wala naman siyang karelasyon.
Maski ka-sex?
“Maski ka-sex. Mahirap mangyari, kasi nasa bahay ‘ko ang nanay ko!”
Puna naman ng media na dumalo sa launch niya as endorser ng My Daily Collagen na mukhang pabata ng pabata ang itsura ng aktor na tinatapatan pa ng kanyang healthy lifestyle.
“When we hear the word collagen, akala kasi natin pang-skin lang ito. But it is a common structural protein found in all types of skins and connective tissues. Collagen is considered as the “glue” that holds the bones, muscles, tendons, joints and the skin together.”
Aminado si Piolo na nakatulong din ito sa pagbuno sa kanyang sleeping time.
“The drink contains the right dosage of easily-absorbed marine collagen peptide at 1000 mg, which is the ideal amount of collagen for the body.”
Ang My Daily Collagen ang ideal partner ni Piolo these days. Talbog ang girl most likely to be his!
JOEL CRUZ AT IBA PANG BIKTIMA NI DUPAYA ‘
DI NA MAGSASALITA KUNDI SA KORTE NA LANG
HULING pagsagot na raw nila sa businesswoman na si Kathy Dupaya ang ginanap na pagharap nina Atty. Ferdinand Topacio, Ynez Veneracion, Mike Jaladoni, Susan Ortega at Emma Yan sa media.
Dalawang beses na kasing nagpatawag ng presscon si Dupaya para pasinungalingan ang mga dahilan ng magiging habla sa kanya ng panig ng mga artistang nabiktima niya sa paglalagay ng kanilang investments sa mga negosyo niya pero hindi makuha ang kita, maski pa ang principal na inilagay nila.
Lumalala ang mga sinasabi ni Dupaya laban sa kanila at nagiging personal na.
Ang pinakahuli nga ay ang pagbintangan niya ang Lord of Scents na si Joel Cruz na nagbebenta ng expired na mga pabango sa kanya.
Kaya may isasampa ring kaso sa kanya si Joel sa isyung ‘yon na dagdag sa una na nitong planong ikaso sa kanya dahil sa P40-M na kelangan niyang ibalik sa may-ari ng Aficionado.
Iisa lang ang nais nilang mangyari—na maidemanda si Dupaya at kung kinakailangan eh, makita nila behind bars.
May nakalimutan daw ‘ata si Dupaya na mayroon din pala siyang kaso years ago na may warrant of arrest ng nakahandang ihain sa kanya, na nakalkal ng mga abogadong walang sawa sa pag-asikaso sa mga isasampang kaso sa kanya.
May libel, swindling, puwera pa sa mga indibiduwal na kaso na nakahanda sa kanya.
Mahirap bang makipag-usap na lang. At hindi na lang makipag-girian sa harap ng kamera?
Sana, matauhan na si Dupaya. Mukhang may dahilan naman para maubos ang perang dapat na ibayad niya sa mga tao. Mas naging kaibigan niya ‘ata si “Lotlot” de Leon kesa kay “Winnie” Santos sa isang lugar kung saan VIP ang treatment sa kanya!
Right, Mr. Mike (na pinagbintangan pa niyang nagnakaw ng mga gamit niya).
Kaloka!
Comments are closed.