HINAMON ng suntukan ni Piolo Pascual ang isang basher na nag-post ng malisyosong komento tungkol sa aktor at sa kanyang anak na si Iñigo at tinawag silang “mag-amang bakla.”
Ginawan nang malisya ng basher ang Instagram post ni Piolo ng kanilang picture ni Iñigo last Sunday, January 20.
Kuha ang litrato right after na lumahok silang mag-ama sa 10-kilometer marathon event ng Sunpiology sa Jakarta, Indonesia.
Ayon sa caption ni Piolo: “@sunlifeph represent:) done with our first resolution run in Jakarta:) perfect weather, great course, awesome people…
“Next week is manila’s turn for sunpiology’s 10th anniversary… see you all on Jan. 26, 2019 at Camp Aguinaldo for #sunpiologytr10 #lifesbrighterunderthesun”
Dito nagparunggit ang basher laban sa mag-ama at tinawag ngang mag-amang bakla sina Piolo at Inigo.
After an hour, diretsahang pinatulan ni Piolo ang basher at hinamon ng suntukan.
Sumagot naman ang nang-uurat na netizen at sinabing pupunta raw siya sabihin lang ni Piolo ang lugar.
Ilang-beses pang nagpalitan ng mensahe ang dalawa tungkol sa kung saang lugar sila maghaharap.
“@piolo_pascual ikaw magbigay at pupunta ‘ko now mismo,” may himig pang-uurat pang sabi ng basher. “Ano ba tagal mag reply. Sa’n bang lugar inip na ko haha.”
Sagot naman ni Piolo na obvious na freak-out na, “nasaan ka!!!”
At this juncture, the netizen answered that he was somewhere in Timog Avenue, Quezon City.
After a couple of hours, it was Inigo’s turn to answer the basher. Inakusahan niyang papansin with matching laughing with tears emoji, ang basher.
Anyhow, some of Piolo’s ardent supporters gave him some sound advice.
May ilang sumang-ayon sa hamon ni Piolo na harapin ang basher sa isang suntukan, but majority of them are against Piolo’s stooping down to the basher’s supposedly debased level.
Pero karamihan sa fans ng aktor ay nagsabing huwag na raw nitong patulan pa ang basher dahil “nagpapapansin” lamang ito.
As of press time, naka-private na ang Instagram account ng baliw na netizen na nang-urat kay Piolo.
During his past interviews, Piolo explained why he would not allow these bashers make some uncalled for commentaries.
“You also have to put them in their place because they also forget it’s a private account,” he asseverated. “Even if I’m a public property, it’s still my account, I have the right to say whatever I want to say.
“Just also to remind them na madaling mag-bash pero may repercussions din ‘yun.”
SYLVIA SANCHEZ NAGPAYO SA MGA ANAK NA DEDMA NA LANG SA BASHERS
SA PANAYAM kay Sylvia sometime this month in an expensive restaurant in Greenhills, game niyang sinagot ang mga katanungan kung papano niya hina-handle ang mga pamba-bash sa kanilang pamilya.
“Masasakit na salita,” she intoned, “dedma na lang.
“Ano ba ang pinakamagandang treatment sa mga ganu’n?
“Tumahimik ka, tahimik na lang, ngitian mo, dedmahin mo at alam mo, ipagdasal mo sila. Kung halimbawa man na nanggagalaiti kayo riyan sa galit sa amin, e kami masaya.
“Sinong talo, ‘di ba? Si Arjo? Dedma ‘yun, wala lang sa kanila.”
Hindi raw siya ang tipong sasagot sa mga basher dahil faceless people naman silang maituturing.
Bata pa lang daw ang kanyang mga anak, sinabi raw niya sa kanilang kahit sino ang mamahalin nila mapa—showbiz, non-showbiz, sikat o hindi sikat, may pera o wala, basta mahal sila at marespeto, bakit hindi?
Proud na proud naman si Sylvia sa magagandang pahayag ng Diamond Star sa anak lalo’t idolo niya pala si Maria.
Looking back, naging parte rin daw ng buhay artista nang mga anak niyang sina Ria at Arjo ang rejection.
“Saka sabi ko sa kanila,” she asseverated, “‘Wag kayong mangarap na sumikat agad. Ang pangarapin ninyo, sementuhin ninyong mabuti ang foundation ninyo.
“Maging solid kayo sa foundation ninyo, bago kayo tuluyang umangat sa acting.
“’Pag-aralan ninyong mabuti, seryosohin ang acting, ang craft ninyo. Galingan niyo ang bawat labas niyo. Maging professional, mapagmahal sa lahat.
“’Pakikisama, professionalism and higit sa lahat, acting. Ang magiging target mo niyan ay longevity. Nakatatakot ang bigla kang sikat kasi mahirap mag-maintain ‘pag nandu’n ka na.’”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!