PIOLO PASCUAL TATAPATAN SI JOHN LLOYD

UNANG nabalitang si Angelica Panganiban ang magiging leading lady ni Piolo Pascual sa comedy-kilig show na ‘My Papa Pi’ ng Kapa­milya Heartthrob, pero ‘biglang nawala’ sa project na ‘yon ang Kapa­milya actress sa iWant­TFC series na ‘The Goodbye Girl’ dahil ayon  sa isang ABS-CBN-insider, mas bagay siyang magbida roon. Kaya naman kinontak nila si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa comedy-kilig serye na ididirek ni direk Cathy Garcia-Molina si Pia para maging leading lady ni Piolo sa nasabing project.

Curious lang ang marami. Ngayong may bagong network si da­ting senador Manny Villar, lilipat kaya doon ang Ultimate Heartthrob ng Kapamilya Network?

“Kung hindi siya conflict sa shows ko sa ABS-CBN, I don’t think it’s gonna matter. As long as the concept is good,” ani Papa P. “Pero for now, I’m just gonna bask in whatever I have right now with ABS-CBN because there’s so many shows that I’m working on. I don’t think I have the time for that in the near future.”

Dalawa ang nakalinyang proyekto para kay Piolo. Bukod sa ‘My Papa Pi’, magtatambal sila ng bagong Kapamilyang si Lovi Poe sa Pinoy adaptation ng Korean series na ‘Flower of Evil’.

Sweetcom (sweet at sitcom) naman ang itatapat umano ng Kapamilya Network sa top rating sitcom ni John Lloyd Cruz na ‘Happy ToGether’ sa GMA Network.

So it’s Papa P John Lloy. Abangan kung sino ang magwawagi sa boksing.

JAMES REID, IIWAN NA ANG PINAS

NITO lang Lunes, ginulat ng isang netizen ang lahat dahil nakunan niya sina Liza Soberano at Nadine Lustre na magkasama. Ayon sa nag-post, nag-bonding ang dalawa na walang kasamang mga body guards. Mabilis nag-viral ang mga larawan ng dalawa na nakaabot hanggang sa Twitter ang screenshot ng nasabing Facebook post.

Hindi pa nakaka-get over ang mga netizen ay muli silang nagulat nang maglabasan sa social media ang mga larawan naman ng Filipino-Australian actor, singer-songwriter, dancer, and record producer na si James Reid kung saan binigyan siya ng despedida party ng kanyang mga kaibigan and loved ones in the Philippines. Aalis na sa Pinas patungong Los Angeles, USA ang ex-bf ni Nadine para abutin ang kanyang pangarap.

Although masakit para sa mga kaibigan ni James ang kanyang pag-alis kaya medyo emotional ang mga ito sa ginanap na despedida party, they are also hopeful that James will make it big in America.

Iyon na nga lang, hindi naman nila ini-specify kung kasama sa pangarap na tinutukoy ni James ang pag-arte or ang kanyang singing career dahil alam naman ng lahat na pareho siyang magaling in both fields. Nakilala siya sa showbiz nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother.”