PIRATES DINUNGISAN NG GENERALS

NCAA

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – SSC-R vs Perpetual
4 p.m. – Arellano vs EAC

PINUTOL ng Emilio Aguinaldo College ang six-game winning run ng Lyceum of the Philippines University, 83-76, sa overtime sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang dating walang talong Pirates ay naglaro na wala si Shawn Umali, na sinuspinde ng isang laro kasunod ng kanyang technical foul at ejection sa huli nilang laro.

Nagbuhos si King Gurtiza ng 18 points, 8 rebounds, 3 blocks at 2 assists habang nagdagdag si Nat Cosejo ng 14 points, 7 rebounds, 2 assists at 2 blocks para sa EAC.

Binigyang kredito ni Generals coach Jerson Cabiltes ang kanyang tropa sa pag-step up sa mga krusyal na sandali.
“Every game our character is being tested. Last two games namin, Last two games namin, we did not finish well, especially our last game against Mapua. So right after that sinabi ko sa players ko, during those times, during those crucial moments, dapat buo ang laro natin,” sabi ni Cabiltes.

Natabunan ng panalo ng EAC ang 77-71 pagbasura ng Mapua sa defending champion Letran sa ikalawang laro.
Sa panalo ay umangat ang Cardinals sa solo second sa 5-1, habang ipinalasap sa Knights ang kanilang ika-6 sunod na kabiguan.

Umiskor si Gurtiza ng timely mid-range jumper sa final minute ng regulation para sa Generals upang ipuwersa ang overtime.

Na-outscore ng EAC ang LPU, 9-2, sa extra period upang kunin ang panalo. Naitala ni JM Bravo ang lahat ng kanyang 18 points sa second half kung kailan humabol ang Pirates. Nag-ambag si Guadaña ng 13 points, habang nagsalansan si Enoch Valdez ng 12 points, 9 rebounds, at 4 assists.

Iskor:
Unang laro:
EAC (83) – Gurtiza 18, Cosejo 14, Robin 13, Quinal 11, Maguliano 8, Luciano 6, Cosa 5, Ochavo 2, Bacud 2, Tolentino 2, Umpad 2, Angeles 0, Balowa 0.

LPU (76) – Bravo 18, Guadaña 13, Valdez 12, Barba 11, Cunanan 10, Aviles 4, Verzosa 3, Montaño 2, Peñafiel 2, Omandac 1, Villegas 0.

QS: 18-17; 37-33; 62-53; 74-74; 83-76

Ikalawang laro:
Mapua (77) – Escamis 20, Cuenco 20, Bonifacio 11, Soriano 9, Asuncion 5, Rosillo 4, Hernandez 4, Recto 4, Bancale 0, Dalisay 0, Fornis 0.

Letran (71) – Cuajao 20, Reyson 16, Santos 14, Javillonar 6, Go 6, Jumao-as 3, Ariar 22, Bojorcelo 0, Monje 0, Garupil 0, Bataller 0, Guarino 0, Fajardo 0.

QS: 24-13; 49-35; 56-55; 77-71.