Laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4 p.m. – Letran vs LPU (Men Step-ladder)
MAG-AAGAWAN ang Lyceum of the Philippines University at ang Letran sa nalalabing finals berth sa NCAA men’s basketball step-ladder semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome.
Ang mananalo sa 4 p.m. do-or-die match ay makakaharap ang defending champion San Beda sa best-of-three series simula sa Martes.
Umaasa ang second-ranked Pirates na makakasagupa ang Red Lions sa ikatlong sunod na taon, habang target ng No. 3 Knights na magkrus ang kanilang landas ng bitter rivals sa unang pagkakataon magmula sa kanilang improbable championship run noong 2015.
Magiging rematch ito ng Final Four noong nakaraang taon kung saan sinibak ng LPU ang Letran makaraan ang malaking fourth quarter break-away matapos na pulikatin si graduating guard JP Calvo.
Winalis din ng Pirates ang kanilang elimination round head-to-head sa Knights ngayong season.
Kumpiyansa pa rin si coach Bonnie Tan, na ginabayan ang LPU sa pagsisimula nito sa NCAA, na malulusutan ng Letran ang matinding hamon at makababalik sa finals.
“We will do our best. It’s a big challenge for my team. I hope we can pull through because one game na lang. May kasabihan, may tira, may tsamba. Eh, nandito na kami,” ani Tan.
Pinaghahandaan ng Knights si Pirates big man Mike Nzuesseu sa knockout match na ito.
Umaasa ang Letran na magiging mas agresibo sa boards sa buong laro at makagagawa ang kinakailangang adjustments matapos ang dikit na 85-80 panalo kontra San Sebastian.
Natalo ang Knights sa Stags sa rebounding department, 36-48, na siyang ikinababahala ni Tan.
“We have to check on that. We were always winning sa rebounding, pero ngayon (against San Sebastian), we were outrebounded,” ani Tan.
Comments are closed.