PIRATES PINASABOG ANG BOMBERS

NCAA

SUMANDAL ang Lyceum of the Philippines University kay Vince Cunanan sa pagtarak ng 99-96 overtime win kontra Jose Rizal University upang mainit na simulan ang kanilang second round campaign sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Naitala ni Cunanan ang 10 sa 12 points ng Pirates sa extra session. Sa huli ay tumapos siya na may 20 points at 9 assists.

Sa kanilang ika-7 panalo sa 10 laro, ang LPU ay umangat ng kalahating laro sa likod ng San Beda (7-2) sa karera para sa ikalawang twice-to-beat slot sa Final Four.

Nagdagdag si Enoch Valdez ng 14 points, 8 assists, 4 steals at 4 boards habang higit na impresibo si Shawn Umali, lalo pa’t ang 6-foot-3 big man ay nilalagnat, sa pagtala ng 13 points, 6 rebounds at 3 blocks.

Kumabig si Joshua Guiab ng 21 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Agem Miranda ng 19 points, 5 boards at 3 assists para sa Bombers.

Nahulog ang JRU sa tie sa Emilio Aguinaldo College, na naiposte ang come-from-behind 80-77 win kontra San Sebastian, sa fourth place sa 6-4.

Iskor:
Unang laro:
LPU (99) – Cunanan 20, Valdez 14, Montaño 14, Umali 13, Barba 12, Bravo 10, Peñafiel 5, Villegas 4, Omandac 3, Aviles 2, Culanay 2, Fuentes 0, Versoza 0.

JRU (96) – Guiab 21, Miranda 19, Delos Santos 14, Argente 10, Sarmiento 8, Dionisio 6, Medina 6, Pabico 6, Sy 3, Arenal 2, dela Rosa 1, De Leon 0, Ramos 0, Mosqueda 0.

QS: 28-23, 54-53, 71-72, 87-87, 99-96

Ikalawang laro:
EAC (80) – Maguliano 22, Cosejo 16, Robin 13, Angeles 8, Gurtiza 6, Tolentino 6, Ochavo 2, Balowa 2, Cosa 2, Umpad 2, Loristo 0, Bacud 0, Quinal 0, Ednilag 0.

SSC-R (77) – Desoyo 24, Felebrico 12, Sumoda 9, Castor 9, Escobido 6, Una 6, Are 4, Calahat 4, Shanoda 2, Re. Gabat 1.

QS: 14-26, 34-50, 54-63, 80-77.