PIRATES SOLO 4TH

Standings W L
*Benilde 13 2
*Mapua 12 3
San Beda 10 5
LPU 8 8
EAC 7 8
Letran 7 9
Arellano 6 9
Perpetual 6 10
SSC-R 4 11
JRU 4 12
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
11 a.m. – SSC-R vs Perpetual
2:30 p.m. – Arellano vs EAC

BINASAG ng Lyceum of the Philippines University ang three-way tie para sa fourth spot sa NCAA men’s basketball tournament makaraang maitakas ang 82-80 panalo laban sa Jose Rizal University kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nakumpleto ng Pirates ang head-to-head elimination round sweep sa Heavy Bombers, matapos na magwagi sa first round, 97-92, sa late-game heroics ni John Barba.

“Honestly, I expected that naman kasi I respect coach Louie (Gonzalez) and JRU and their staff. Siyempre sumali tayo sa liga na ito, expect natin ang unexpected. Hindi tayo puwede mag kumpiyansa porket wala na sila [sa Final Four race] but again, all the teams are fighting for the win eh, hindi naman for the position but for the win,” sabi ni LPU coach Gilbert Malabanan.

Ang panalo, ang ika-8 sa 16 games, ay nagpalakas sa kampanya ng Pirates na makopo ang isa sa dalawang nalalabing puwesto sa Final Four.

Ang LPU ay umangat ng kalahating laro sa Emilio Aguinaldo College at isang laro sa Letran, na nalasap ang 78-83 kabiguan sa College of Saint Benilde.

Nanguna sina Renz Villegas at Gyle Montaño para sa LPU na may tig-18 points, habang nag-ambag si Simon Peñafiel ng 10 points.

Nakakuha ang Blazers ng 20 points at 8 rebounds mula kay Allen Liwag upang lumapit sa pagkopo ng twice-to-beat incentive sa Final Four na may 13-2 record.

Nag-step up si Justine Sanchez para sa Benilde na may 16 points, 6 rebounds, at 4 assists, habang nagdagdag si Mark Sangco ng 11 points, 5 boards at 3 assists.

Nagbuhos si Pau Javillonar ng 31 points, kabilang ang 8 triples para sa Knights, na nalaglag sa sixth spot sa 7-9.

May 4-12 record, ang JRU ay tuluyan nang nasibak sa kontensiyon para sa Final Four.

Iskor:
Unang laro
LPU (82) – Barba 20, Villegas 18, Montaño 18, Peñafiel 10, Cunanan 4, Aviles 4, Versoza 4, Guadaña 3, Daileg 1, Moralejo 0, Panelo 0

JRU (80) – Guiab 27, De Jesus 14, Pangilinan 10, Barrera 9, Raymundo 8, Sarmiento 4, Argente 3, Ferrer 3, Bernardo 2, Mosqueda 0, De Leon 0, Lozano 0, Panapanaan 0, Samontanes 0.

Quarterscores: 23-21, 47-38, 64-61, 82-80

Ikalawang laro
Benilde (83) – Liwag 20, Sanchez 16, Sangco 11, Ynot 7, Torres 7, Ancheta 7, Eusebio 7, Ondoa 6, Morales 2, Oli 0, Cometa 0, Cajucom 0.

Letran (78) – Javillonar 31, Estrada 13, Cuajao 10, Montecillo 9, Miller 6, Nunag 5, Monje 4, Delfino 0, Pradella 0, Jumao-os 0, Dimaano 0.

Quarterscores: 15-27, 47-37, 62-54, 83-78