NAIS ni Education Secretary Juan Edgardo Sonny Angara na kailangang mag-level up ang mga paaralan para ma-develop ang pagiging analytical at critical thinker ng mga estudyante.
Upang makamit ito, hinimok ng Kalihim ang mga paaralan na makabuo ng examination na kahalintulad ng Programme for International Student Assessment (PISA).
“I think we need to have more test exams that are PISA-like,” ayon sa kalihim.
Hangad din ni Angara na bumuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Dapat aniyang ipresenta ang mga examination sa paraan na mapapaunlad ang kaalaman ng estudyante at maia-apply nila ito sa real-life situations.
“It really goes to the quality of our education because the PISA exam measures very specific type of skills,” diin ng DeEd chief.
“They present you the situation and you must react to it and analyze it. So, hindi lang siya parang iyong normal exam na ano iyong nangyari itong date na ito o ano iyong cause nito. So they really give you a problem set. It’s a very real-world type,” dagdag ni Angara.
Plano rin ni Angara na baguhin ang kultura sa assessment and measurement ng education sector sa bansa.
“I want to change the culture because we want to have a culture of assessment and measurement, meaning our decisions are not based on what we think or what we feel, but really based on evidence; we measure our outcomes,” dagdag pa ni Angara.
Noong 2022, iniulat ng PISA na ang Filipino students ay nahihirapang magbasa, gayundin sa math, at science at ang resulta ng pag-aaral ay kahalintulad ng nakalipas na assessment noong 2018.
EVELYN QUIROZ