PISO HUMINA SA 19-MONTH LOW NA P58.68:$1

BUMAGSAK pa ang piso kontra dolyar nitong Lunes.

Ang local unit ay humina ng 17 centavos upang magsara sa P58.68:$1 mula P58.51:$1 noong Biyernes.

Ito na ang pinakamahinang performance ng piso sa loob ng 19 buwan o magmula noong  November 3, 2022 nang magsara ito sa  P58.80:$1.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC)  Chief Economist Michael Ricafort, ang paghina ay kasunod ng inilabas na  manufacturing data para sa Mayo, kung saan bumaba ang PMI sa  51.9 noong nakaraang buwan.

Tinukoy rin niya ang patuloy na hot money outflows noong Abril na isa sa mga dahilan ng lalong paghina ng piso.

“Going forward, the performance of the US dollar/peso exchange rate would partly be a function of intervention/defense as consistently seen over the past 1.5 years,” sabi ni Ricafort.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni BSP  Senior Assistant Governor Iluminada Sicat na ang paghina ng piso ay pansamantala lamang, tinukoy ang regional trend ng panghihina ng currencies kontra US dollar.