SA pagprisinta ng mga prayoridad na programa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), nagpahayag ng buong suporta ang 20 goodwill ambassador na pinaanyayahan ng Komisyon sa adhikain ng PCUP na matupad nito ang mandato na pagsilbihan ang sektor ng mahihirap sa bansa, partikular na ang mga maralitang tagalungsod at informal settler families (ISFs).
Nakaharap ng mga opisyal ng PCUP ang mga ambassador sa isang pagpupulong kung saan inilahad ang apat na banner programs na binalangkas ng bagong pamunuan ng Commission sa pangunguna ni Undersecretary Elpidio Jordan, Jr. bilang bahagi ng adhikain ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na malutas ang kahirapan sa bansa.
Nakatakdang ilunsad sa susunod na taon, kabilang sa nasabing mga programa ang ‘Piso Ko, Bahay Mo’, na layuning makapagbigay ng disenteng pabahay sa mga maralitang pamilya sa pamamagitan ng savings mobilization, at gayun din ang resource mobilization na Lingkod Agapay Maralita (LAM), urban poor data generation at ang collaboration at partnership program.
Ipinaliwanag ni Usec. Jordan na ang ‘Piso Ko, Bahay Mo’ para sa mga urban poor family (UPF) na walang tahanan, partikular na yaong apektado ng mga court-ordered demolition at eviction, ay magpapalawig sa partisipasyon ng pribadong sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lote na kung saan makakapagpatayo ng mga pabahay para sa mga UPF. “The program recognizes the increasing role that businesses have been playing in local development by going beyond mere corporate social responsibility. In addition, there is also growing realization that doing business with social impact is possible which is blurring the gap between conventional territories of development players and businesses,” kanyang pinunto.
Sa kabilang dako, layunin naman ng Lingkod Agapay Maralita, o LAM, na matugunan ang mga pangangailangan ng mga UPF sa pamamagitan ng pagpapaigting ng savings mobilization, na isasagawa sa pakikipag tambalan sa pribadong sektor.
“LAM aims to build up opportunities for livelihood and employment as well as housing and other concerns of selected communities across the country. The program will serve as the light, so to speak, in building bridges of collaboration,” ani Usec. Jordan.
Ayon naman sa urban poor data generation, isusulong ng PCUP ang partnership sa mga local government unit (LGU) upang makapagtatag ng mga satellite offices sa mga lungsod at munisipalidad sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao.
“This targets a means of strengthening the PCUP’s intervention in urban poor communities through the establishment of a database that would be useful both for the Commission and the various KLGUs in developing plans, programs and projects and formulating policies for advocacy in both the local and national levels that would be beneficial to the urban poor,” wika ng chairperson ng PCUP.
Sa huli, itataguyod naman ng collaboration and partnership ang panawagan para sa pagkakaroon ng mga goodwill ambassador na mula sa business sector, academe, mga non-government organization (NGO) at iba pa, na siyang magpapakilala sa PCUP at mga programa nito para sa mga maralitang tagalungsod. “With our ambassadors sharing our vision of empowering urban poor communities, they will help generate the support that the Commission needs and likewise look for other partners who may provide assistance and services aimed at filling the gaps in alleviating the plight of UPFs from and ensure that they will become economically productive as partners in nation building,” hinayag ni Usec. Jordan.
Sa huli, nilinaw niya na ang lahat ng suporta at pagtulong ng mga PCUP ambassador ay ibibigay sa mga maralitang benepisyaryo at organisasyon na akredito ng Komisyon upang matiyak na sila ang makikinabang at ang kanilang kapakanan ang magiging prayoridad.