BUMAGSAK ang halaga ng Philippine peso sa all-time low na P56.77 kontra US dollar nitong Biyernes, Set. 2, ayon sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP).
Ang local currency ay humina ng 35 centavos mula sa P56.42:$1 noong Huwebes.
Ito ang bagong record low para sa local unit, kung saan nahigitan nito ang naunang all-time low na P56.45:$1 noong October 14, 2004.
Ang piso ay nagtala rin ng intraday low na P56.90 bago nagsara sa P56.77.
Ang local currency ay humina ng P5.771 o 11.3% magmula nang mag-umpisa ang 2022, laban sa P50.999:$1 hanggang end-2021.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, ang paghina ng local unit ay dahil sa mas malakas na US dollar versus major global currencies at sa pagtaas ng interest rate sa US.