PISO KONTRA DOLYAR TULOY SA PAGLAKAS

PISO-DOLLAR-3

PATULOY na nakabawi ang Philippine peso kontra US dollar nitong Biyernes makaraang maitala ang bagong historic low sa kaagahan ng linggo.

Ang local currency ay lumakas ng 34.5 centavos upang magtapos sa P58.625:$1 mula sa pagsasara sa P58.97:$1 noong Huwebes.

Ito ang ikatlong sunod na araw na nakabawi ang piso laban sa dolyar matapos na maitala ang bagong record low na P58.99:$1 noong Martes.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, ang paglakas ng piso ay resulta ng paghihigpit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa reporting requirements sa foreign exchange transactions.

“The peso also strengthened after the US dollar recently corrected lower versus major global currencies and after the healthy easing of US Treasury yields, with the benchmark 10-year US Treasury yield easing from new 12-year highs, now at 3.70%, from the immediate high of 4.01% posted on September 28, 2022,” ani Ricafort.