PISO LUMAKAS SA P56:$1 LEVEL

PATULOY sa paglakas ang Philippine peso at sa wakas ay nakabalik sa 56-to-the-dollar level nitong Martes.

Ang local currency ay lumakas ng 35.6 centavos upang magsara sa P56.96:$1 laban sa P57.316:$1 noong Lunes.

Ito ang pinakama­gandang performance ng piso magmula noong April 15, 2024 nang magsara ito sa P56.808:$1.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort, ang paglakas ng piso nitong

Martes ay dahil sa naging pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Eli Remolona Jr. na ang rate cut ngayong buwan ay “a little less likely.”