PISO NAKABAWI KONTRA DOLYAR

NAKABAWI ang piso laban sa dolyar nitong Biyernes, subalit nananatili sa 19-month low.

Ang local unit ay lumakas ng  9.1 centavos upang magsara sa  P58.52:$1 mula $58.611:$1 noong Huwebes.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, ang piso ay bahagyang lumakas ng 0.2% subalit nasa 19-month low pa rin o pinakamahinang performance magmula noong November 7, 2022, nang magsara ito sa P58.58:$1.

Sinabi ni Ricafort na ang rice import tariff cut sa 15% mula  35% ay maaaring magpababa sa presyo ng bigas at makatulong sa pagpapabagal ng overall inflation, gayundin sa pagsuporta sa posibleng local policy rate cuts sa mga darating na buwan.

“Going forward, the performance of the US dollar/peso exchange rate would partly be a function of intervention/defense as consistently seen over the past 1.5 years,” ani Ricafort.

Nauna rito ay sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na ang central bank ay namamagitan sa  foreign exchange market kapag ang piso ay “under stress” o kapag nakakita ito ng ilang   “dysfunction” sa merkado.