NAKABAWI ang Philippine peso laban sa US dollar sa likod ng inaasahang pagbabawas sa reserve requirement ratio ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang local currency ay lumakas ng 8.5 centavos upang magsara kahapon sa P52.35:$1 mula sa P52.435:$1 noong Martes.
“The peso closed stronger today amid market expectations about a possible ut in large banks’ reserve requirement ratio,” wika ni Michael Ricafort, economist sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).
Nauna rito ay sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na magpupulong sila ngayong linggo upang talakayin ang posibleng pagbabago sa reserve requirement.
Noong Marso ay nagpahiwatig si Diokno sa posibilidad ng pagbabawas sa RRR tuwing ikatlong buwan sa susunod na apat na quarters.
Tinukoy rin ni Ricafort ang datos na ipinalabas ng BSP kahapon hinggil sa pagtaas ng remittances noong Marso.
“Stronger growth in OFW remittances in March 2019 also support sentiment on the peso,” paliwanag niya.
Comments are closed.